Maging si Vice President Leni Robredo ay nagsalita na kasunod ng marahas na hakbang ng Russia sa bansang Ukraine.
Ayon kay Robredo, kinokondena niya ang bayolenteng pagkilos laban sa inosenteng mamamayan ng Ukraine kung saan maraming namatay at marami pang buhay ang nanganganib.
Maging ang ilang Pilipino ay naipit doon.
Ayon kay Robredo, nagpapasalamat siya sa mga kumikilos para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Ukraine.
Paliwanag ni Robredo, normal lang na tumutol sa mga pambu-bully lalo’t sa marasahas na paraan.
Humanga si Robredo sa Ukraine dahil sa mga ginagawang hakbang para mapagtanggol ang kanilang bansa.
Nakikiisa si Robredo sa lahat ng bansa sa buong mundo na tutol sa ginawa ng Russia.
Facebook Comments