Angat Dam at iba pang dam, patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig

Bahagyang bumaba ang lebel ng tubig sa mga dam.

Kabilang na dito ang Angat Dam kung saan base sa pinakahuling monitoring ng Hydro Meteorological Division na sa 20 sentemetro ang nabawas sa lebel ng tubig.

Mula sa 195.52-meters kahapon ng umaga ay bumababa pa ito sa 195.32-meters kaninang umaga.


Mas mababa na ito ng mahigit na 6 na metro mula sa 2012-meters na normal high water level ng Angat Dam.

Bukod dito, bumaba rin ang level ng tubig sa Ippo, Lamesa, San Roque, Binga Pantabangan, at Magat Dam.

Facebook Comments