Vice President Leni Robredo, ayaw na munang magbigay ng pahayag hinggil sa pagdeklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Aminado si Vice President Leni Robredo na mahirap na magbigay ng pahayag kaugnay ng posibilidad na pagdedeklara ng martial law sa buong Pilipinas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo na kasalukuyang nasa lalawigan ng Camarines Sur, sinabi nito na walang dahilan para idamay ang Visayas at Luzon sa deklarasyon ng martial law.

Dagda g pa ng pangalawang pangulo, kinakailangan na maintindihan ng pamahalaan na marami ang nangangamba sa deklarasyon ng batas militar dahil na rin sa nauna nang karanasan dito ng bansa.


Nais lamang niya na humingi ng katiyakan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin sa administrasyon na walang mangyayaring paglabag sa karapatang pantao kaugnay ng naturang deklarasyon ng pangulo.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng bise presidente na buo ang kanyang suporta sa pamahalaan lalo na sa problema laban sa terorismo.

Binigyang diin naman ni Robredo na ito ang panahon upang magkaisa ang mga pinoy at hindi ang pag-aaway away.

DZXL558

Facebook Comments