Handa si Vice President Leni Robredo na tumulong sa gobyerno na maghanap ng solusyon sa traffic crisis sa Metro Manila.
Ito ang tugon ng kampo ng Bise Presidente sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat magbigay ng mga suhestyon si Robredo kaysa sa punahin ang Administrasyon.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, dati nang nagbibigay ng mga mungkahi si VP Robredo, hindi lang sa isyu ng traffic kundi sa iba pang mga problema.
Matatandaang pinasaringan ni Robredo si Panelo dahil sa paninindigang walang krisis sa Mass Transportation sa bansa.
Facebook Comments