Iginiit ni Vice President Leni Robredo na mahalaga ang dignidad para sa lahat bilang diwa ng ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw.
Sa mensahe ng pangalawang Pangulo sa publiko, ipinunto nito na sa kasalukuyang kinakaharap ng bansa dulot ng COVID-19 ay malinaw na magkakarugtong ang kalayaan ng bawat isa.
Naging sentro rin ng mensahe ni Robredo ang patas na karapatan, dignidad at kalayaan ng indibidwal bilang susi para maabot ng bawat isa ang kanilang adhikain para sa lahat.
Samantala,hindi natinag ang ilang militanteng grupo at mga estudyante sa kanilang kilos-protesta ngayong Araw ng Kalayaan na pinamagatang “mañanita protest” na hango sa kontrobersyal na paglabag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas sa quarantine protocols.
Naging tema ng mga ito ang pagkwestyon sa Anti-Terror Bill at ang kahina-hinalang COVID-19 protocols ng pamahalaan.