Vice President Leni Robredo, ikinalugod ang mungkahing gawing P1-B ang budget ng OVP sa 2022

Ikinalugod ni Vice President Leni Robredo ang additional funding na inirekomenda ng ilang House leaders.

Kasunod naman ito ng mabilis na pag-apruba ng House Committee on Appropriations sa P713.41 million budget ng Office of the Vice President (OVP).

Nauna rito, iginiit ni Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr. na dapat itaas sa P1 billion ang budget ng OVP.


Naniniwala ang kongresista na marapat na dagdagan ang pondo ng OVP dahil nasa forefront ito sa paglaban sa COVID-19.

Makakatulong aniya ang dagdag na pondo para suportahan ang mga frontliners ng mga ospital at ibang facilities para sa pangangailangan ng PPE, medical supplies, care packages, free transportation at dormitories, temporary shelters, at test kits.

Maliban dito, tinukoy rin ng kongresista ang natanggap na mataas na marka mula sa Commission on Audit (COA) sa 3 magkakasunod na taon.

Facebook Comments