Vice President Leni Robredo, nagpaabot ng pagbati sa anibersaryo ng Marawi siege; mabagal na rehabilitasyon, pinuna

Vice President Leni Robredo on the 3rd Anniversary of the Marawi Siege

Ipinahayag ni Vice President Leni Robredo na ang tatlong taong kabagalan sa rehabilitasyon ng Marawi ay katumbas ng isang libong araw ng pag-aantay.

Ito ang mensahe ng Bise Presidente sa paggunita ng ikatlong anibersaryo ng Marawi siege.

Aniya, ang Marawi ay hindi simpleng trahedya kundi nagpapatuloy na problema na hindi pa rin natutugunan.


Hanggang sa ngayon, ang lungsod na dinurog ng giyera sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng Maute-ISIS terrorist ay hindi pa rin nakakabangon.

Marami pa rin aniya sa mga residente ay nasa mga temporary shelter communities.

Ayon kay Robredo, ang paghihirap ng sambayanan dahil sa COVID-19 ay isa ring pakikiisa sa pagdurusa pa rin ng mga taga-Marawi.

Nanawagan si Robredo sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na pabilisin ang rehabilitation efforts at magpakita ng transparency.

Facebook Comments