Kinilala rin ni Vice President Leni Robredo ang kontribusyon ng mga manggagawang Pinoy sa ating lipunan at sa kasaysayan ngayong Labor Day.
Ayon kay VP Robredo, ang paggunita ng Labor Day ay hindi para sa papuri at pagkilala sa mga sakripisyo ng mga ito kundi isang konkretong aksyon sa mga isyung matagal nang idinadaing ng mga manggagawa tulad ng usapin ng kontraktuwalisasyon at ENDO.
Giit ng pangalawang pangulo, ipinakita ng pandemya na ang manggagawang Pilipino ang lakas ng ekonomiya kaya dapat tayong magsama-sama para itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan.
Panawagan nito, sama-sama tayong sumulong sa mas ligtas, mas patas, at mas makataong mundo para sa bawat manggagawa at bawat Pilipino
Facebook Comments