Healthcare workers at essential frontliners, special mention sa Labor Day message ni Pangulong Duterte

Binigyang pagkilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga manggagawa Pinoy na humarap sa hamon ng COVID-19 pandemic ngayong paggunita ng Araw ng Paggawa.

Sa kanyang Labor Day message, nagpahayag ng matinding pasasalamat si Pangulong Duterte sa mga masisipag at masisigasig na healthcare workers at frontliners.

Special mention sa kanyang mensahe ang mga healthcare workers at essential frontliners dahil sa hindi matatawaran aniya ang commitment ng mga ito na tiyakin na walang magiging sagabal sa pagde-deliver ng mga goods at services para mapanatili ang komunidad at industriya ngayong panahon ng kagipitan.


Sinabi pa ni Pangulong Duterte na ngayong taon ay dinadakila ang mga Pilipinong manggagawa na humaharap sa bagong pagsubok upang masuportahan lamang ang kanilang pamilya.

Pagtitiyak ng Pangulo, patuloy na magta-trabaho ang pamahalaan para masiguro ang ligtas at maayos na work environment lalo na ngayong pandemya.

Facebook Comments