Vice President Leni Robredo, nanindigan na hindi dapat gumamit ng ‘wang wang’ang mga public officials  

Nanindigan si Vice President Leni Robredo na hindi dapat gumagamit ang mga public official ng ‘wang wang’ o kahit magkaroon ng Police Escorts.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo, na ang hindi paggamit ng sirena ay unang hakbang upang maintindihan nila ang problema ng transportasyon sa bansa at ang araw-araw na dinaranas ng mga commuter.

Sinabi ni Robredo na nakakainsulto ito sa mga ordinaryong commuter.


Ayon kay Robredo, mayroong pagkakataong kailangan niyang huminto para bigyang daan ang isang public official na napapalibutan ng Police Escort.

Nitong 2018, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy niya ang ‘no wang wang’ policy ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Facebook Comments