Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nakahanda sa anumang kasong isasampa sa kanya ni PNP Chief Oscar Albayalde

704

Handa si Baguio City Mayor Benjamin magalong na harapin ang anumang kasong isasampa laban sa kanya ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Ito ay may kaugnayan sa kanyang pagtetestigo sa pagdinig ng senado ukol sa ‘ninja cops.’


Ayon kay Magalong, may karapatan si Albayalde na gumawa ng hakbang para depensahan ang sarili nito.

Tiwala naman ang alkalde ay papaboran siya ng Korte.

Giit niya, ang kanyang testimonya sa Senado ay hindi personal na pag-atake kay Albayalde, at ito ay pag-wasto lamang sa maling sistema sa PNP.

Matatandaang itinuro ni Magalong si Albayalde na nakinabang sa kontrobersyal na drug operations ng mga ninja cops sa Pampanga noong 2013.

Facebook Comments