Patuloy na maninindigan si Vice President Leni Robredo sa kanyang pangkontra sa mga opisyal at kawani ng gobyerno na tumatanggap ng regalo.
Ito’y sa kabila ng mga tiradang ibinabato sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, iginiit ni Robredo na ang pagtanggap ng regalo ay ilegal.
Nakasaad na aniya sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standard For Public Officials and Employees kung saan malinaw na ang lahat ng Public Officials ay bawal tumanggap ng regalo.
Binanggit din ni Robredo ang Revised Penal Code at Presidential Decree na nagre-regulate sa pagbibigay ng regalo sa public officials.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi nagbabasa ng batas si Robredo at iginiit na ang mga opisyal ay pwedeng tumanggap ng regalo basta ito ay “out of gratitude.”