Vice President Leni Robredo, wala pang clearance para makabisita sa Mindanao – patuloy na pamimigay ng relief assistance, tiniyak ng bise presidente

Manila, Philippines – Nagpahayag ng kagustuhan si Vice President Leni Robredo na bumisita sa Mindanao.

Ayon kay VP Robredo, ito ay upang personal niyang masaksihan kung ano ang sitwasyon sa lugar lalo na ng mga taong naiipit sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at Maute local terrorist group.

Nagkaroon na aniya ng relief operations sa Marawi City at naglagay na rin ng command centers dahil sa dami ng mga taong humihingi ng tulong kagaya ng pagkain dahil na rin sa biglaan lamang ang paglikas ng mga ito.


Aniya, mayroong dalawang command centers sa Mindanao kung saan nasa Xavier University at sa Cagayan De Oro ang isa.

Sabi pa ng bise presidente, hindi pa siya binibigyan ng clearance para makapunta sa Mindanao kaya sa ngayon ay patuloy muna ang kaniyang paghahatid ng tulong sa mga apektadong residente sa lugar.

Una nang nagpahayag ng suporta si VP Robredo sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa martial law sa Mindanao pero kaakibat pa rin nito ang pangamba dahil baka maulit ang nangyaring mga karahasan noong panahon ng diktadurya.
DZXL558

Facebook Comments