Vice President Sara Duterte, nakidalamhati sa mga apektado ng Bagyong Karding

Nagpahayag ng pakikidalamhati si Vice President Sara Duterte-Carpio sa lahat ng naapektuhan ng Bagyong Karding sa Luzon.

Sa pinalabas na pahayag ng Office of the Vice President, nakasaad na laman ng kanyang isip at pananalangin ang mga tinamaan ng Super Typhoon Karding.

Ipinahatid rin ni VP Sara ang kanyang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay sa kasagsagan ng bagyo.


Tinitiyak ng pangalawang pangulo ng bansa na kontrolado ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sitwasyon na kinasuungan ng bansa.

Nakikipag-ugnayan aniya ang pangulo sa lahat ng ahensiya ng bansa at mga Local Government Unit (LGU) upang matiyak na mabilis na nakararating ang mga tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding.

Facebook Comments