Vickie Rushton, malaki ang panghihinayang matapos na bigong masungkit ang korona sa binibing pilipinas 2019

Inamin ni Vickie Rushton na labis ang panghihinayang niya matapos na hindi makuha ang korona sa ginanap na 2019 Binibining Pilipinas kagabi.

Bago pa man ang Coronation Night, “Early Favorite” na ng madla ang Beauty Queen na tubong Negros Occidental.

Karamihan din ng mga special awards ay hinakot ni Rushton.


Say ng Beauty Queen, sobra niyang pinaghandaan ang Question and Answer portion pero na-distract siya sa isang audience na tumayo at nag-make face sa kanya.

Bagama’t bigo sa ikalawang pagkakataon, ipagpapatuloy pa rin daw niya ang sinimulan niyang adbokasiya.

Ipinagtanggol ng Aktor na si Jason Abalos ang girlfriend niyang si Rushton matapos na mag-stutter sa Q and A portion.

Say ni Jason, move on na dahil ang mahalaga at happy ang lahat ng kandidata sa naging karanasan nila.

Marami naman daw natutunan ng mga Binibining Pilipinas Candidates kaya sana raw ay matuto ring rumespeto ang ibang tao.

Facebook Comments