Victory Parade ng mga Atletang Dagupeno isasagawa ngayong Araw

Dagupan City – Isasagawa ngayong araw ang Victory Parade ng mga Atletang Dagupeno para sa Back to Back Championship ng mga ito sa katatapos lamang na Region Athletic Association o R1AA.

Ipinapatupad ngayon ang Traffic Rerouting sa lungsod na nagsimula kaninang 1:00 ng hapon dahil inaasahan ang 474 na Atleta ang lalahok sa Victory Parade. Magsisimula ang parada ng 3: 00 ng hapon sa Guilig St. papuntang Perez Blvd- M. H Del Pilar, AB Fernandez Avenue at magtatapos sa City Plaza.

Ayon kay Marco Sanchez POSO officer, biyernes pa lang pinaghandaan na nila ang mangyayaring parada at traffic rerouting ngayong araw kaya handa na sila sa nasabing aktibidad. Babantayan din nila ang Tapuac at Lucao na isa sa mga matraffic na lugar sa tuwing nagkakaroon ng rerouting. Pagkatapos ng parada diresto ang mga ito sa CSI Stadia para sa isang Victory Party.
Nakakuha ng 87 gold, 64 silvers at 55 bronze medalya ang Dagupan City sa R1AA na naganap noong March 6-11.


Photo-credited to Mr. Limuel Dino

Facebook Comments