Manila, Philippines – Sa tingin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, hindi sapat ang video message ni Vice President Leni Robredo sa United Nations o UN para ito ay maimpeach.
Kasamang binanggit ni Robredo sa naturang video message na umaabot na sa 7,000 ang biktima ng summary executions sa bansa at gayundin ang iba pang mga hakbang ng mga otoridad kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration.
Ang nabanggit na mensahe ni Robredo, ayon sa kanyang mga kritiko ay maituturing na betrayal of public trust na pwedeng basehan ng impeachment case.
Pero ayon kay Recto, bahagi ng demokrasyang umiiral sa bansa ang pagpuna sa mga polisya ng pamahalaan kaya hindi maituturing na betrayal of public trust ang nasabing video message ni VP Robredo.
Facebook Comments