20 katao, patay sa panibagong pag-atake sa Baghdad, Iraq

18
Manila, Philippines – 20 katao ang patay habang marami ang sugatan sa pagsabog ng isang car bomb sa Baghdad, Iraq.
 
Wala pang grupong umaako sa pagsabog sa pamilihan sa Shia Amil district kung saan dagsa ang mga tao.
 
Ang naturang pag-atake ay nangyari sa harap ng ginagawang pagsisikap ng Iraqi forces na mabawi ang kabuuan ng mosul mula sa ISIS.
 
Noong nakaraang buwan –binulabog din ng pambobomba ang nasabing lugar ng Islamic state.

Facebook Comments