Nanawagan ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa publiko na huwag nang ipakalat ang video na nagpapakita nang nangyayaring hazing sa Philippine Military Academy.
Ayon kay AFP spokesperson Brig Gen. Edgard Arevalo ang pagpapakalat ng video ay walang magandang naidudulot sa PMA maging sa Pamilya ni Cadet Darwin Dormitorio ang kadeteng namatay sa hazing sa akademya.
Paliwanag ni Arevalo kumpirmado nang sa PMA ang kuha ng video pero hindi ito kumakatawan sa buong PMA dahil anumang maltreatment na nangyari sa PMA ay hindi kinokonsinti ng AFP.
Sa katunayan patuloy ang mga pagbabago sa academy para hindi na maulit ang nangyari kay Dormitorio.
Giit pa ni Arevalo hindi perpektong organisasyon ang PMA kaya kailangang tutukan sa tulong ng publiko.