Video ng isang madre na nakikipaglaro ng soccer sa isang pulis sa Ireland, trending

Manila, Philippines – Trending ngayon ang video ng isang astig na madre na nakipagtagisang ng soccer skills sa isang pulis sa Limerick, Southwest Ireland.

Makikita sa video ang Dominican nun na tuwang-tuwa na nakikipaglaro ng juggling soccer sa isang local cop mula sa henry St. Community Policing Unit kung saan, hindi man lamang lumapat sa sahig ang bola.

Ayon sa nag-post ng video, hindi na nila nalaman kung sino ang nanalo sa dalawa at mukang magkakaroon pa ng rematch.


Pumalo sa halos isang milyon ang views ng nasabing video.
Screengrab: YouTube.com
DZXL558

Facebook Comments