Judicial and Bar Council (JBC), tumatangap na ng aplikante sa mababakanteng Associate Justice position sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Tumatanggap ang Judicial and Bar Council (JBC) ng mga aplikante at nais magrekomenda sa mababakanteng Associate Justice position sa Sandiganbayan.
Ito ay kasunod ng nalalapit na pagreretiro ni Associate Justice Rodolfo Ponderrada.
Ayon sa JBC, magsisimulang mabakante ang naturang posisyon simula September 13.
Maaaring magsumite ng aplikasyon gamit ang email o fax o magtungo sa JBC office, Supreme Court sa bahagi ng Padre Faura Street sa Maynila hanggang July 17.
Isa si Ponferrada sa labing anim na Associate Justice ng anti-graft court.
DZXL558

Facebook Comments