Video ng planong pag-atake sa Marawi, patunay na nararapat ang Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Inamin ni Senator Panfilo Ping Lacson na nakatulong ang video ng pagpaplano ng pag-atake sa Marawi para makumbinsi syang suportahan ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa buong Mindanao.

Sa nababanggit na video ay makikita si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon na nagpaplano ng pag-atake sa Marawi City.

Ayon kay Lacson, kasama ang nabanggit na video sa ipinrisinta ng security officials na nagsagawa ng closed door briefing sa mga senador noong May 29.


Para kay Lacson, malinaw sa video ang planong wasakin ang bahagi ng ating teritoryo sa pamamagitan ng paglulunsad ng rebellion gamit ang terorismo.

Naniniwala si Lacson na may mga kasamahan siya sa senado na hindi lubos na nauunawaan ang tindi ng banta sa seguridad na hatid ng rebelliong nagaganap sa bahagi ng Mindanao.

Posible din aniya na talagang kontra lang ang mga ito sa anumang hakbang ni Pangulong Duterte.

“This video footage, among other disclosures in the security briefing made by top security officials of the Duterte administration during our executive caucus, is what made me decide to vote in favor of the martial law proclamation in Mindanao.
“Our colleagues who still oppose the martial law proclamation either did not understand the gravity of the security threat posed by the rebellion in the South or they are simply opposed to anything that President Duterte does or acts on.”
DZXL558

Facebook Comments