Videoke at karaoke, bawal na sa Maynila!

Mahigpit nang ipinagbabawal sa lungsod ng Maynila ang paggamit ng karaoke at videoke machines at iba pang uri ng pag-iingay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado.

Nakapaloob ito sa Ordinance No. 8688 na nilagdaan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Ang ordinansa ay tugon ng pamahalaang lokal ng Maynila sa reklamo ng mga magulang na nakaka-istorbo sa online classes ng kanilang mga anak ang mga kapitbahay na maingay dahil sa karaoke.


Ang lalabag sa ordinansa sa unang pagkakataon ay pagmumultahin ng 1,000 pesos, 2,000 pesos sa ikalawang offense at 3,000 pesos naman sa ikatlo.

Inaatasan ang lahat ng barangay officials at mga pulis na ipatupad ang nasabing ordinansa.

Facebook Comments