Videoke sa Muntinlupa, nilimitahan

Nagpasa ang Muntinlupa City Council ng isang ordinansa na naglilimita sa paggamit ng mga videoke, karaoke at mga kagamitang lumilikha ng ingay.

Nakapaloob sa ordinansa na papayagan lamang ang paggamit ng mga karaoke sa lungsod tuwing Sabado ng 6:00 AM – 10:00 PM at Linggo ng 6:00 AM – 8:00 PM.

Ang inisyatibong ito ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral at guro na makapagdaos ng online classes na walang nakagagambalang ingay, gayundin para sa mga naka-work from home.


Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay papatawan ng mga multa na mula 2,000 hanggang 5,000 piso at pagkakakulong na hindi lalagpas sa 30 araw.

Facebook Comments