Vietnam foreign ministry, kinumpirma ang pagpatay sa isa pa nilang kababayang bihag ng Abu Sayaff

World – Kinumpirma ng Vietnamese Foreign Ministry na isa sa kanilang kababayan na bihag ng Abu Sayaff ang nasawi sa Patikul, Sulu.

Namatay sa gitna ng bakbakan ng Abu Sayaff at ng militar si Tran Viet Van.

Natagpuan na lamang ang labi ng dayuhan na tadtad ng bala.


Nagpaabot na ng pakikiramay ang Vietnamese government sa pamilya ng pinatay na hostage.

Nakikipagtulungan na ang pamahalaan ng Vietnam sa Pilipinas para sa imbestigasyon.

Si Viet Van ang ikatlong Vietnamese na bihag ng mga bandido na pinatay.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments