Vietnam, maghahain ng reklamo laban sa China kaugnay ng tensyon sa South China Sea

Muling maghahain ng reklamo ang Vietnam sa China kasunod ng nangyaring tensyon sa pagitan ng dalawang bansa sa pinagtatalunang South China Sea.

Ayon kay Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc, nababahala na sila sa mga aktibidad na ginagawa ng Tsina sa nasabing teritoryo.

Aniya, matagal na nilang binabantayan ang Haiyang Dizhi 8 ng China na nagsasagawa ng seismic survey sa lugar.


Nangyari ang nasabing standoff sa isla na sakop ng EEZ ng Vietnam.

Dahil dito nagpadala na ng dagdag na pwersa ang Vietnam malapit sa mga Chinese Vessels.

Kasunod nito sinabi ng Australia at US na pinaplano rin daw ng China na magsagawa ng Oil Exploration sa ilang mga isla sa South China Sea na kinabibilangan ng iba pang mga bansa na umaangkin din sa teritoryo.

Facebook Comments