Inaresto ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang mag-asawang Vietnamese dahil sa pagiging mga overstaying na dayuhan sa bansa.
Nadiskubre rin ng Immigration officers ang mga pekeng immigration stamps sa passport ng mag-asawang Nguyen Thanh Quang at Pham Thi Dung.
Pasakay na sana sa Philippine Airlines flight patungong Ho Chih Minh City ang mag-asawang Vietnamese nang maharang sa NAIA Terminal 2 ng mga tauhan ng Travel Control And Enforcement Unit ng BI.
Nakalagay sa pekeng immigration stamps ng mag-asawa na March 11 nang dumating sila sa bansa pero sa database ng BI, lumabas na iba ang petsa ng kanilang arrival.
9 na buwan nang namamalagi sa bansa ang Vietnamese couple na dumating Pilipinas noong June 5, 2018.
Facebook Comments