3 sundalo patay, habang 13 pa ang sugatan, sa sagupaan sa Sulu

Nagpapatuloy ang sagupaan sa pagitan ng militar at 80 miyembro ng  Abu Sayyaf, partikukar ang grupo ni Hajan Sawadjaan sa Sitio Atol, Barangay Latih, Patikul, Sulu.

 

Ayon kay Col Gerry Besana, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, 3 na ang patay sa panig ng mga sundalo,  habang 13 naman ang sugatan.

 

Nagsimula aniya ang sagupaan, pasado alas-6 ng umaga pa lamang.


Kinumpirma ng Joint Task Force Sulu na 4 na miyembro na ng Abu Sayyaf ang namatay habang 9 naman ang sugatan.

 

Isinugod na sa Kuta Heneral Bautista Station Hospital ang mga sugatang sundalo sa pamamagitan ng UH-1H helicopters.

Facebook Comments