You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Vietnamese couple, inaresto ng Bureau of Immigration dahil sa pamemeke

 

Inaresto  ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang mag-asawang Vietnamese dahil sa pagiging mga overstaying na dayuhan sa bansa.

 

Nadiskubre rin ng Immigration officers ang mga pekeng immigration stamps sa passport ng mag-asawang Nguyen Thanh Quang at Pham Thi Dung.

 

Pasakay na sana sa Philippine Airlines flight patungong Ho Chih Minh City ang mag-asawang Vietnamese nang maharang sa NAIA Terminal 2 ng mga tauhan ng Travel Control And Enforcement Unit ng BI.

 

Nakalagay sa pekeng immigration stamps ng mag-asawa na March 11 nang dumating sila sa bansa pero sa database ng BI, lumabas na iba ang petsa ng kanilang arrival.

 

9 na buwan nang namamalagi sa bansa ang Vietnamese couple na dumating Pilipinas noong June 5, 2018.

Facebook Comments