Kinagigiliwan pa rin ng mga turista hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong asya ang ganda ng Vigan.
Base sa most picturesque towns in Asia ng CNN, kabilang ang Vigan sa 13 lugar sa Asya na kinilala bilang kaakit-akit at kahanga-hanga.
Ayon kay Vigan City Tourism Officer Edgar Dela Cruz, maipagmamalaki ang century-old colonial houses, pati ang cathedral, plaza at iba pang sinaunang istraktura.
Taong 1572 nang itatag ng mga Kastila ang Vigan na isa sa pinakalumang lungsod sa bansa.
Ang Vigan ay una nang kinilalang UNESCO World Heritage site noong 2014 at napabilang pa sa new 7 wonder cities in the world.
Facebook Comments