Cauayan City, Isabela- Labis ang tuwa ng mga Guro ng Villaflor Elementary School sa Cauayan City matapos mapili na mabigyan ng ‘Star Books’ sa ilalim ng Community Empowerment thru Science and Technology ng Department of Science and Technology (DOST) Isabela.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Gng. Anabel Dalipe, ang Teacher-in-Charge ng naturang paaralan, super bless ang kanilang paaralan dahil sa ipinagkaloob na kagamitan na magagamit ng mga mag-aaral.
Nakapaloob sa digital books ang mga aralin tungkol sa Science and Technology na kapakinabangan ng mga mag-aaral.
Aniya, isa ang Villaflor Elementary School sa napiling magsagawa ng pilot face-to-face classes ngayong buwan ng Disyembre.
Samantala, tinatayang nasa 88 mag-aaral ang kabuuang bilang ng enrollees mula kindergarten hanggang elementarya.
Kaugnay nito, labindalawang (12) estudyante mula kindergarten ang i-aaccomodate sa pilot classes habang ang mga Grade 1, 2 at 3 ay labinlimang (15) mag-aaral lamang.
Sa kabila ng inaasahang pagsisimula ng face-to-face classes, mananatili pa rin ang module learning ng mga ito kahit na ang karamihan aniya sa mga mag-aaral ay excited ng pumasok sa paaralan.
Panawagan naman ni Dalipe sa mga magulang na magtulong-tulong pa rin sila kahit na magsimula ang pilot face-to-face classes.