Villanueva: Chair a committee that is close to your heart

54

Pinahayag ni Senator Joel Villanueva na “agresibo” ang newly-elected na mga senador sa pagpili ng mga committee na pamumunuan sa 18th Congress.

Sa kaniyang panayam sa ANC, sinabi niyang agresibo nang simula nilang ihayag ito sa media.


Nitong Miyerkules ng gabi, nagpulong ang mga kasalukuyang nakaupo at newly-elected na mga senador sa isang organized dinner sa bahay ni Senator Manny Pacquiao.

Dito ay pinag-usapan nila kung sino ang mga interesadong mamuno sa mga committee kasama ng mga kasalukuyang namumuno dito.

Sinabi rin ni Villanueva na lahat ng mga committee ay importante at nakasalalay ang performance nito kung sino ang mamumuno.

“Think for me it is important that you head or chair a committee that is close to your heart,” dagdag niya.

Facebook Comments

From Advertisers