Manila, Philippines – Hindi pa rin natitinag sa pwesto bilang pinakamayaman sa mataas na kapulungan si Senator Cynthia Villar base sa kanyang pinakahuling Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN kung saan idineklara niya ang net worth na mahigit P3,606,034,556 billion pesos at wala siyang idineklarang liabilities o utang.
Kasunod ni Villar na pinakamayaman ay Senator Manny Pacquiao na nagdeklara ng P3,072,315,030 at liabilities o utang na P350,595,647.
Pangatlo sa pinakamayaman si Sen. Ralph Recto na may net worth na P522,610,452.59.
Pang apat si Sen. Sonny Angara na may net worth na P124 milyon.
Kasunod si Sen. Juan Miguel Zubiri na may net worth na P122 milyon.
Senator Sherwin Gatchalian na may net worth na P92 milyon at walang idineklarang utang.
Pang-pito si Senator Grace Poe na may net worth na nasa P88 milyon
Pangwalo si Sen. Franklin Drilon na may net worth na P82 milyon; sinundan ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito na may net worth na P 79,130,483.36.
Pasok sa top 10 na pinakamayaman si Senator Richard Gordon na nagdeklara ng net worth na nasa P67M.
Pang labingisa naman si Senator Vicente Sotto III na may P64 milyon na lang kanyang net worth at may P89 milyon na liabilitis dahil sa kanyang housing loans, car loans, at credit cards.
Pang labingdalawa si Sen. Nancy Binay na may net worth na P60.4M at liabilities na P63,749,906.
Pang labingtatlo si Sen. Loren Legarda na may net worth na P41M.
Sumunod si Senator Panfilo “Ping” Lacson, na ang net worth ay P38,703,615.
Sinundan siya ni Senator Bam Aquino na may net worth na P33,860,702.59.
Pang labing anim naman si Senator Alan Peter Cayetano na magiging kalihim na ng dept of foreign affairs at may net worth na P24,132,490.
Kasunod si Sen. Joel Villanueva na nagdeklara ng net worth na P21,519,770.
Sen. Gregorio Honasan na may net worth na P21 milyon.
Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na may net worth na P17,734,400.
Sen. Risa Hontiveros na may net worth na P16.3M
Kasunod si Sen. Francis Pangilinan na may net worth na nasa P9M.
Ang nakakulong na si Sen. Leila de Lima ay may net worth na mahigit P6.6M (P6,617,635.62)
Pangalawa naman sa pinakamahirap si Senator Francis “Chiz” Escudero na nagdeklara ng net worth na P6.6M.
Pinakamahirap naman si Sen. Antonio Trillanes IV na may net worth na P6.5 milyon.
P16 milyon pesos ang idineklarang total assets ni trillanes pero may utang itong P9.5 milyon na kinabibilanagn ng housing loan, car loan; at personal loans.
DZXL558