Pinahayag ni Senator Cynthia Villar na maliit na insidente lang ang nangyaring pagbangga ng isang Chinese vessel sa Gem-Ver 1 na ikinahulog ng 22 na Pilipinong mangingisda sa dagat sa Recto Bank nitong Hunyo 9.
“Ang opinyon po ni President lang daw ‘yun na hindi dapat makaapekto sa relationship natin with China,” ayon kay Cynthia.
Sinabi niya ring magiging maayos ang problema kung matutulungan ang mga mangingisda.
Ayon sa report, iniwan na lamang ng chinese vessel ang 22 na Pilipino sa dagat na isang paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Tinulungan naman ng isang Vietnamese vessel na malapit sa pinangyarihan ang mga Pilipino kaya’t sila ay nakaligtas sa pagkakalunod.
Una nang sinabi ng Tsina na ordinaryong insidente lamang ito at iimbestigahan na nila ang nangyari.
Si Cynthia Villar ang nanguna sa boto nitong May 13 midterm elections at pamumunuan ang Agriculture and Food committee at Environment and Natural Resources committee sa Senado.