VILLASIS, ISASAILALIM SA GCQ NA MAY KASAMANG HEIGHTENED RESTRICTIONS, IPINATUPAD

Nagsimula na ang pagpapatupad sa ilalim ng General Community Quarantine sa bayan ng Villasis dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan.

Sa bisa ng Executive Order number 010-08 – 17 series of 2021 na pinirmahan ng alkalde ng bayan, ilalagay ang buong munisipalidad ng Villasis with heightened restrictions dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng virus.

Sa ilalim ng utos na ito, mahigpit na ipapatupad sa buong lugar sa bayan ang mga pagsunod sa curfew hours, pagsusuot ng face mask, face shield at pag obserba sa social distancing.


Bawal lumabas at kailangan lamang manatili sa loob ng kanilang tahanan ang mga edad 15 pababa at 65 pataas, kabilang ang may immunodeficiency, comorbidity at may iba pang sakit at mga buntis.

Suspendido din ang ilang indoor at outdoor sports at activities gaya ng misa, immediate family lang ang makakadalo sa kasalan at libing, bawal pagbebenta ng alak maging operasyon ng mga establisyemento at swimming pools bawal din at marami pang iba.

Ang lahat ng ito ay dahil sa kagustuhang mabawasan ang kaso ng sakit sa bayan kung saan pinakahuling datos ng Villasis mayroon ng 71 aktibong kaso na ang bayan.

Facebook Comments