VIRAL: 2 empleyadong ‘nang-duktor’ ng COVID-19 test result, arestado

COURTESY LAINE SY

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang empleyado ng isang computer shop sa Barangay Pasong Putik, Quezon City matapos ireklamong nang-duktor umano ng medical certificate at resulta ng COVID-19 test na naging viral sa social media kamakailan.

Nakuhanan ng larawan ng isang nagngangalang Laine Sy ang pagbabago ng suspek sa pangalan at edad na nakalagay sa naturang dokumento.

“I went to a printing shop. And I saw this guy. Na pina-scan and pinaphotoshopped yung name ng covid result to another name,” sabi ng concerned citizen sa Facebook post.


Pahayag ni Police Lt. Col. Robert Domingo, hepe ng CIDG-QC District Field Unit, dumulog sa mga awtoridad ang isang doktor mula sa One-Rad Medical and Xray Clinic na siyang nagsagawa ng COVID-19 rapid test.

Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang may-ari ng computer shop, pati ang kostumer na nagpagawa ng pekeng medical certificate.

Sinampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code na may kinalaman sa falsification of documents.

Facebook Comments