VIRAL: Ambulansyang may dalang pasyente naipit sa trapiko

Courtesy Facebook/Jing Zamora

Marami ang nagalit sa nag-viral na video ng ambulansyang may pasyenteng sakay na naipit sa trapiko sa Laguna.  Ang dahilan, ayaw magbigay-daan ng ilang motorista sa kalye.

Sa bidyong ibinahagi ni Jing Zamora sa Facebook, naantala ang biyahe ng ambulansya dahil sa tindi ng trapiko at motoristang sinasalubong ang sasakyan.

Makikitang tuloy-tuloy pa rin ang pagpupump ng mga nurse sa kaawa-awang matanda.


Ngunit tila hindi nagpapaubaya ang mga nagmamaneho at nagagawa pang mag-counterflow kahit alam nilang may emergency.

Hindi naman pinalagpas ng netizens ang ginawa ng mga motoristang dumadaan sa kalsada.

“Dapat kc pinaghuhuhuli yang mga nagka counter flow na yan ngaun..”

“Grabe naman emergency na dito sa kuwait tumatabi na lahat bigyan ng daan.kulang kasi tayong mga pilipino sa disiplina sa daan at kalsada”

“If the person in ambulance dies, then the counterflow people should be arrested and charged with murder.”

“Should be a 100,000 peso fine plus a 1 year ban from driving, for failing to let an ambulance past. With CCTV used as evidence.”

Sa kabila ng sinapit, nasa mabuting kalagayan na ang matanda at kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa Las Piñas.

Umabot na sa mahigit 1.8 million views ang nasabing video.

Facebook Comments