Viral artist na putol ang isang braso, umaming gimik lang ang kapansanan

Courtesy GMA News

Kamakailan lang, nag-viral ang isang artist na putol ang kaliwang braso, na kadalasang naka-puwesto sa underpass ng Manila City Hall.

Sa tulong ng isang netizen na nagngangalang Miecah PatiƱo, nakilala ang “one-armed artist” na ballpen lamang ang gamit sa pagguhit.

Ngunit nang hinanap upang makapanayam, napag-alaman ng GMA News na hindi naman pala putol ang braso ng kinilalang si John Mark.


Hindi naman ito itinanggi ng artist at sinabing “diskarte” ito para mas maraming makapansin sa kanya at magpagawa ng obra.

Ani pa niya, “Wala naman pong masama sa ginagawa ko ‘e. Dito po kasi sa Maynila, gano’n din po ‘e, marami, ‘di lang ako.”

Sa dulo naman ng panayam sinabi niyang gusto niyang humingi ng pasensya.

Facebook Comments