VIRAL: Aso nakipag-apir sa isang guwardya ng mall sa Cebu City

Courtesy Facebook/Aimy Bruce Into

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang litrato ng isang asong tila nakipag-apir sa isang guwardiya ng mall sa Cebu City.

Ibinahagi ni Aimy Bruce Into ang larawan ng nakatutuwang moment ng alagang Maltese Shih Tzu na si Cotton Budz at security guard sa isang Facebook group nitong Hulyo 4.

Screenshot via Dog Lovers Philippines | Aimy Bruce Into

Kuwento ni Into, napansin ng guwardiyang walang diaper at leash si Cotton Budz.

Nang malapitan, tinaas ng alagang aso ang kanyang paws at imbes na sitahin ng guard, nag-high five nalang ito sa kanya.

Taos-puso ang pasasalamat ni Into sa lalaki dahil sa pagiging mabait at friendly kay Cotton Budz.

Hindi naman mapigilan mapa-‘awwww’ ng social media users sa nakitang litrato.

sana lahat ng mall ina-allow ang pets, newport mall, no pets allowed pero mababait nmn yung mga guard nila pinayagan xa matulog sa table…

“So cute baby salute u kuya quard Ang bait mo Kay baby”

“Nag high five ung mag tropa. cute!

Hiling ng iba, sana ganito rin ang trato ng ilang security guards sa mga asong dinadala o nagagawi sa mall.
“Guard sa walter mart nasugbu dapat makita to. Kahit umuulan sa labas hindi kami pinapasok dahil walang diaper aso namin pero nakapanty naman at leash and hindi sya sanay umihi sa ibang lugar.”
“Di katulad ng hayup na guard sa Robinson Bacoor na pinatay sa hataw ang asong naligaw sa mall.”
Sa ngayon, umani ng mahigit 77,000 shares at 51,000 likes ang post ng dog owner.
Facebook Comments