VIRAL: Youth parish servant, ipinakita ang event IDs sa graduation photos

Image via Juztine Dizon on Facebook

Hinangaan ng mga netizen si Juztine Dizon kung saan pinagsabay ang pagiging college student at youth parish servant, dahil sa hectic schedule nito.

Ipinakita ni Juztine ang kaniyang mga IDs mula sa hindi mabilang youth gatherings na  inattendan sa graduation photos.

Sa kaniyang caption, pinasalamatan niya ang mga prof na binigyan siya ng pagkakataon sa mga special exam dahil sa youth gatherings.


Ibinahagi rin ni Juztine na maraming mga kaibigan ang nag-aalala sa kaniya kung kailan siya matatapos sa OJT, acads at iba pa.

Sinabi ni Juztine na hindi niya makakayanan ang lahat ng ito at binigyan ng inspirasyon ang ibang college student din tulad niya na may iba ring prioridad.

Si Juztine Dizon ay isang parish youth leader sa Sacred Heart of Jesus Parish sa Tarlac. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Accounting Technology sa Tarlac State University.

Sa kasalukuyan, ang kaniyang post ay may 1,500 reactions, 50 comments at 3,100 shares.

Facebook Comments