VIRAL | Aubrey Miles – nagsalita na tungkol sa nude photos nila ni Troy Montero

212

Manila, Philippines – Nagsalita na si Aubrey Miles kaugnay ng panibago nilang nude photos ng long-time partner na si Troy Montero sa Instagram.

Kuha ang larawan sa kanilang bakasyon sa Coron, Palawan.

May ilan kasing pumuna sa pagpo-post na ito ng dalawa kabilang na ang kapatid ni Troy na si Kc Montero.

Depensa ni Aubrey, “because we can.”

Masyado na raw silang matanda at alam nila ang kanilang ginagawa.

Katunayan, lagi naman daw nila itong ginagawa sa tuwing nagta-travel sila.

Wala rin naman daw sigurong masama dahil wala naman silang nabastos na tao roon.

Facebook Comments