VIRAL: Babae sa supermarket, dinilaan ang ice cream bago ibalik sa freezer

291

Natukoy na ng pulisya sa Texas ang babae sa nag-viral dahil sa nakakadiring ginawa nito sa isang supermarket.

Nag-viral ang isang footage kung saan makikitang dinilaan ng isang shopper ang ice cream na hindi niya naman binili at saka ibinalik pa sa freezer.


Sa background, rinig ang lalaking nag-uudyok sa babae na gawin ang kalokohan.

Ipinost ng isang netizen sa Twitter ang video na may caption na “What kinda psychopathic behavior is this?!”


Matapos magalit ang maraming netizen, naglabas ang pulisya sa Lufkin, Texas ng CCTV image ng pinaniniwalaang babe sa video, na sasampahan umano ng kaso.

Courtesy: Lufkin Police and Fire / Facebook

Wala namang ibang nakabili at nagawang alisin ng pulisya sa freezer ang tub na dinilaan ng babae.



Facebook Comments