Barangay Tanod, patay nang malunok ang nahuling buhay na tilapia

Patay ang isang barangay tanod nang aksidenteng malunok ang buhay na tilapia na nahuli nito sa ilog.

Suffocation ang ikinamatay na kilalang si Roger Marcelino, 49 taong gulang, sa Bugasong, Antique.

Ayon sa anak ng biktima, nakaugalian ng ama na isipit sa bibig ang mga nahuhuling tilapia upang magamit ang kamay sa pangingisda.


Napumiglas ang tilapiang nahuli kaya dumiretso ito sa kaniyang lalamunan.

Nangyari ang aksidente sa Paliwan River sa Sitio Dam kasama ang kaniyang 11 taong gulang na anak.

Facebook Comments