VIRAL: Bata, naglalaro sa bukas na bintana ng condominium unit

Video from Silvestre Mesquita

Viral ngayon online ang video ng paglalaro ng isang batang babae sa bintana ng tinitirahang high-rise condominium unit.

Sa makatindig balahibong kuha ni Silvestre Mesquita, makikitang naglalakad sa makitid na pasilyo ang musmos at nagpabalik-balik pa sa bukas na bintana.

Kaagad nakuha ang paslit makaraang makita ng babae nasa unit din. Hindi pa malinaw kung nanay o katulong ang rumespondeng ginang.


Tumagal din ng isang minuto ang nakapangingilabot na video.

Batay sa lokasyon ng uploader, maaring nangyari ito sa Sao Paolo, Brazil.

Samantala, narito ang ilang paalala para maging ligtas ang mga batang naninirahan sa matataas na gusali, mula sa The Asian Parent Singapore:

  • Bantayan maigi ang mga anak.
  • Maglagay ng grills sa mga bintana at tiyaking maliliit lamang ang mga puwang upang hindi makalusot ang musmos. Siguraduhing nabubuksan ito, in case of emergency.
  • Huwag maglagay ng gamit na maaring tuntungan ng mga bata.
  • Sabihan ang mga kasambahay o yaya na huwag palalapitin ang mga paslit malapit sa bintana, balkonahe, o terrace.
Facebook Comments