Inter-Barangay ng Basketball Tournament, Inilunsad ng Bayan ng San Manuel

*Cauayan City, Isabela*-Inilunsad ng Bayan ng San Manuel, Isabela ang Inter-Barangay Basketball Tournament para sa mga kabataan sa naturang bayan.

Binubuo ng 19 na grupo mula sa iba’t ibang barangay na pawang mga kabataan ang sumali sa nasabing aktibidad.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Manuel Faustino “King” Dy, layunin ng nasabing liga ay upang may pagkaabalahan ang mga kabataan para makaiwas sa anumang masamang bisyo lalo na sa iligal na droga.


Kaugnay nito, paraan din ito upang makapili ng magiging pambato at mas malakas na manlalaro mula sa mga kabataan para may pansabak sila sa mga inter-town at malalaking basketball tournament.

Sa ngayon ay nasa second elimination round na walong team na lang ang natira na maglalaban-laban sa darating na championship sa Municipal Gymnasium ng nasabing bayan.

Facebook Comments