VIRAL: Battle of the ‘extraordinary bath dipper o tabo’

Images via Orocan and Muji Philippines

Hindi pa din tapos ang “battle of the bath dipper” o sa madaling salita, tabo.

Nitong Linggo, inilabas ng Muji Philippines, isang kilalang Japanese household supplies shop, ang umano’y kakaiba nilang tabo. 

Mababasa sa Facebook post ng Muji ang caption na, “Aside from its clean and simple design, the angle of its handle is designed to make it easier to scoop water with less weight on hand.”


At ang kanilang ‘unique bath dipper’ mabibili sa halagang P365. Kaya naman ang mga Pinoy todo-reax sa nasabing produkto.

Ang isang sikat na local brand, sumali na din sa tagisan ng mga tabo.

Kahapon, ipinakita ng Orocan sa kanilang Facebook page ang larawan ng isang puting tabo na may barya sa loob.

Ayon sa Orocan, may libreng P330.25 ang kanilang “extraordinary bath dipper” dahil sa suggested retail price na P34.75

Pabirong sagot ng mga netizens sa dalawang kumpanya, araw-araw nilang gagamitin ang mga tabo, basta hindi mawawalan ng tubig.

Facebook Comments