Bumilib at pinuri ng netizens ang isang banyaga sa Dipolog City matapos niyang linisin ang isang bahagi ng dalampasigan sa naturang siyudad noong Setyembre 13.
Sa kuhang litrato ng netizen na si Jovi Mora, makikitang pinupulot ng dayuhang si Simo Aaltonen ang mga basurang itinapon at nagkalat sa paligid ng dalampasigan.
Kuwento ni Mora, nag-desisyon si Aaltonen na maglinis ng kapaligiran dahil nangangamba siyang masira ang karagatan at may masaktan sa mga nakuhang basag na bote.
Itinapon ng dayuhan ang mga nahakot na kalat sa tamang basurahan.
Ayon pa sa uploader, second home ang turing ng banyaga sa Dipolog City at residente na siya doon simula pa noong 2010.
Si Aaltonen, na isa palang retired chef, ay dating naninirahan sa bansang Finland.
Facebook Comments