Viral DLSU cat Archer, pumanaw na

Pumanaw na ang kilalang pusa ng De La Salle University na si “Archer” dahil sa malubhang sakit sa bato nitong Sabado ng umaga.

“Archer earned his wings and crossed the rainbow bridge this morning. He will be missed,” pahayag ni Carmel Puertollano sa isang Facebook post.

“We would like to thank everyone for the love and support that you have extended to our cats, especially our beloved ambassador, Archer,” dagdag niya.


Ayon kay Puertollano, ang dahilan ng pagkamatay ni Archer ay kidney chronic disease na posibleng stage. Mayroon din itong lyphoma at problema sa atay.

Pinasalamatan din ni Puertollano ang mga tumingin sa kondisyon ni Archer na sina Dr. Bea Co ng Ortiz Veterinary Clinic, the team Carveldon, Dr. David Arceo at team ng The Pet Project.

Nitong Marso, nag-viral sa internet ang mga larawan ni Archer na nakasuot ng toga na may DLSU alumni card at binigyan ng graduation rites. Kinagiliwan siya ng mga netizen at mga estudyante ng DLSU.

Facebook Comments