VIRAL: Estudyante, huminto kahit umuulan nang marinig ang pambansang awit

24624
Courtesy Rouanne Marie Ablog

Tinawag na “Makabayan Girl” ng netizens ang isang Grade 7 sa Ilocos dahil sa paghinto nito sa gitna ng paaralan kahit na umuulan nang tumugtog ang “Lupang Hinirang.”

Dahil namangha sa ginawang paggalang ng estudyante ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) na si Chelsea Angel Rapisura, ibinahagi sa Facebook ng kaniyang guro ang kuha ng nangyari.


Sa post ni titser Rouanne Marie Ablog, makikita sa ang nag-iisang babae sa gitna ng school grounds, habang ang ibang estudyante ay nakasilong sa building.

Ani ng guro sa post, “This young girl stopped walking and stood still under the rain during the singing of the Philippine National Anthem. Nice one, ading!”

Kahit umano tinawag na para sumilong, nanatili sa kinatatayuan si Chelsea hanggang matapos ang kanta, base sa ulat ng Remate.

Ipinagmalaki rin ang estudyante ng principal ng paaralan na si Romulo Quitevis.

Dapat aniya magsilbing aral ito sa lahat ng estudyante at maging sa mga guro.

Facebook Comments

From Advertisers