VIRAL: Grab food man, pinaghintay ng isang oras sa wala ng customer

445
Facebook/ Lian Pantallano

Ibinahagi ng isang concerned citizen ang Grab food driver na naghintay ng isang oras para lang sa wala ng customer na umorder ng tatlong roasted chicken.

Sa Facebook post ni Lian Pantallano, sinabi niyang naka-30 na text at 20 na tawag ang lalaki sa customer ngunit hindi na ito sumagot.


Nanlulumo si Lian sa ginawang panloloko sa Grab food driver na umalis na lamang dahil hindi na sumagot sa delivery man. Umalis na lamang ito matapos ang isang oras na paghihintay.

Si Lian ay isang receptionist sa isang ospital kung saan naroon ang ‘nanlokong’ customer. Dumagsa naman ng tulong sa Grab food driver matapos ang post ni Lian.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 400 reactions, 185 comments at 3,100 shares.

Facebook Comments

From Advertisers